Wednesday, March 21, 2007

~taz~


kung natatandaan niyo, dun sa past blogs ko (post valentine chuva), nabanggit ko na ang gift sakin ni chocky nung valentines eh isang taz na stuff toy (actually sa sobrang laki niya mukha na siyang mascot!)
nung umuwi ako sa bulacan 2 weeks ago, sinama namin si taz (akala ko nga sisingilin din si taz ng pamasahe sa bus eh!). natuwa naman sila lahat kay taz lalo na si dianne (na nagpapabili ng lola bunny na ganun din kalaki sa birthday niya! gudlak!).
nung pabalik na ko sa gapo, iniwanan ko muna si taz sa kanila para naman ma enjoy nila... tapos lagi kong kinakamusta si mama sa txt sa lagay ni taz ( baka ginugutom nila eh kawawa naman...). Tapos nabalitaan ko na lang na yung bunso kong kapatid eh nakipag inuman nung birthday ng pinsan ko at sa sobrang wasted niya eh, of all places naman na susukahan, ang sinukahan niya eh yung kamay ni taz! (ayaw pa nga pasabi sa akin kasi magagalit daw ako, nilabhan na daw nila si taz at sinampay, imaginin niyo na lang na may halimaw na nakasampay sa sampayan!)
last sunday night, umuwi ulit ako sa bulacan, kwento kwento, chika chika... every time na uuwi ako samin, babalik ako sa gapo ng 4 am ng tuesday, gaya na lang last tuesday, tulog pa silang lahat nung umalis ako, I just kissed my mom goodbye, kinuha ko si taz and then lumuwas na ko pa- gapo. dumating ako sa gapo ng 7 am, natulog ulit ako tapos nagising ako mga 11:30am, pagtingin ko sa fone ko may ganitong message galing sa kapatid kong mongoloid...
dianne: umiiyak ako ngayon, may kumidnap kay taz! nagreport nako sa pulis pero ang bagal ng responde nila... ilang oras na daw nawawala sabi ni mama... pagcing ko kc wla na xa... :'(
na siyempre ni replyan ko ng...
petski: hawak namin si taz, kung gusto mo pa siyang makita ng buhay, maghanda ka ng 1 milyon. antayin mo ang tawag ko... wag sasabihin sa mga pulis!!!
D: wag nyo po sasaktan c taz... gagawa po ako ng paraan para makalikom ng 1M, pero wala po ba tawad? d ba pwede 100 na lang? rent ba ga...
P: geh nde ko xa sasaktan, hinde ko xa susukahan at isasampay na parang palaka... pero pwede ba 150 naman? ipa western mo na lang... Hehehe
D: pano ko malalaman na isasauli niyo si taz and hindi niyo xa cnaktan kung iwe- western ko lang ung ransom?hehe
P: bibigyan ka namin ng pruweba na buhay pa c taz, ipapadala namin sau isang kamay niya o kaya isang tenga...
D: nyeh! gawin ko ng 200! wag na din kau magbigay ng pruweba! Hehehe

Haaay hirap maging miyembro ng pamilya ko... Pede pa kayang magpa-ampon kay angelina jolie?