this has got to be my most stressful restday ever... why? kasi our baby UNO is sick...
monday night, we noticed na nahihirapan siya umihi... walang lumalabas na ihi kahit na pinipilit niya... nag decide kami na dalhin na sa vet early tues morning...
come tuesday morning... wala paring progress... restless na si uno at pagdating sa vet... sabi na namamaga na raw yung pantog ni uno... sinubukan siyang i cathether... pero ndi na pumapasok yung cathether... may mga bato na raw nakabara sa daanan ng ihi niya... kailangan na daw operahan si uno or else baka hindi na siya umabot bukas... hindi siya nagpeperform ng surgery kaya ni refer niya kami sa pinakamalapit na hospital sa manila... Dela Salle-Araneta University Veterinary Hospital sa may Caloocan...
pagdating sa hospital, ganun din sinabi ng doctor... kailangan ng magperform ng emergency operation kasi sasabog na yung pantog ni uno... in Xray na si uno tsaka kinuhanan ng blood chem...
THE DILEMMA: they need to perform an emergency operation or else he would not make it... but his blood chem shows na sobrang taas ng bacteria count sa dugo niya... operating on him will increase the risk of dying of infection...
kaming dalawa ni mama yung kasama ni uno sa hospital at twing tinitingnan ko siyang nahihirapan... naiiyak ako... sabi ko sa sarili ko... "Uno... don't you dare die on me... kailangan ka namin... " there came a point in time nung sedated na siya at pine prep siya sa operating table na nakikipag bargain ako sa diyos... "Lord, wag na po siya... ako na lang... marami pong malulungkot pag nawala siya... ako po konti lang...."
after ng operation, sabi ng doctor hindi pa rin namin pwedeng iuwi si uno kasi under observation pa siya... may fever pa siya... tsaka minomonitor closely yung infection niya...
as of this moment... mag ka txt yung doctor at si dianne... may slight fever pa rin si uno... hindi pa rin pwedeng iuwi... nami miss ka na namin uno!!! pagaling ka!!! we love you!!!
i will update this blog and give you flash reports sa lagay ng aming bebe... i will upload pics and vids ni uno sa hospital pag uwi ko sa bulacan... CIAO.
IMMOS
5 years ago