Sunday, January 31, 2010

red ribbon jr cake...

naalaa ko lang... may promo kasi ang metro bank credit card...

Get any Red Ribbon Junior Cake FREE for ACCUMULATED CHARGE SLIPS of at least P10,000.

so last year yata entitled kami na makakuha ng dalawang junior cake... pero dahil sobrang thoughtful ni dianne... hindi namin ma claim yung libreng cake... dapat daw kumpleto kaming apat sa bahay bago namin i claim yung cake... minsan pag umuwi ako sa bulacan, wala si dianne tsaka si mik... minsan naman kaming dalawa ni dianne nasa bulacan pero wala si mik... samakatuwid... every week na uuwi ako nilu look forward ko yung cake na 'yon... hehe...

nung huling uwi ko, sabi ko... "hindi pa rin ba kine claim yung cake?

ang sagot ng nanay ko... "sabi ni dianne i claim na lang natin yan sa birthday mo... "

o di ba how thoughtful... wahehe

an unexpected reply...

lingid sa kaalaman ng nakararami... ako ay avid fan ni ambassador kristie kenney... naiyak pa nga ako nung nalaman ko na maaasign na siya sa ibang post... sinusundan ko yung mga tv guestings and interviews niya... kasi feeling ko kakaiba siya... ndi siya katulad nung ibang mga diplomats na hindi abot ng ordinaryong tao...

sinubaybayan ko mula sa mga seryosong panayam niya hanggang sa papaya dance niya sa umagang kay ganda... at sa guesting niya sa wowowee... nung sumayaw siya sa shall we dance... at hanggang sa final interview niya bago siya umalis ng pinas...

sinabi niya sa isang interview na yung account niya sa facebook... siya talaga ang personal na nagme maintain nun... bat naman niya daw ipo-post yung mga pictures nung pusa niya kung hindi siya yun diba...

so nagkaroon ako ng idea... pede ko kaya siyang maging friend sa facebook? wala naman masama kung ita try ko diba? at kung ignorin man niya yung request ko... okay lang naman sakin... NO EXPECTATIONS...

so eto na... pa cute na message para i accept ang friend request...

"hi madam... i'm moppette fom the philippines... please add me up in FB... i'm a big fan of yours...please please pretty please... maraming salamat po... "

after a few hours i got a reply... sabi...

"Hi, i would love to add you but i am too close to the friend limit and so i cannot add you. we could stay in touch through twitter, if you like. i am at kristiekenney on twitter. "

o diba? kahit nega ang reply... she's still gracious enough para sabihin yung reason kung bakit ndi niya ko pede i add... lalo pa kong humanga sa kanya dahil dun...

Tuesday, January 26, 2010



should i be proud that i am a Filipino because of this? no.. i don't think so...

o.0

pagpasensyahan niyo na if this post may sound a little jinjiruky... just never had the strength to pour my heart out and let other people in my world... siguro hindi kayo sanay... ako din, hindi rin ako sanay na magsabi ng totoong nararamdaman ko... i just don't like the feeling na ako yung kino- comfort... i tried screaming for help before pero akala ng ibang tao nagbibiro lang ako...sabi emo daw ako...

tungkol saan ba 'to?

i miss my dad... i hate the fact that i miss him... i never grieved when he left... i just moved on... now it's taking a toll on me... it affected my relationship towards other people... sa mga taong kasama ko sa trabaho... sa mga taong na mi-meet ko sa work... i just wanted everybody to leave me alone... kahit yung relationship ko kay chocky, naapektuhan na... my heart is filled with anger... and i couldn't possibly love another human being.... wala ng paglalagyan... punuin mo man ng pagmamahal ang puso ko... tatapon lang yun... dahil puno na 'to ng galit... the sad part is that i am aware of all these things yet i don't wanna do anything about it...

whewww... this is hard... i have always put up a brave front... and i don't wanna sound weak pero i think i'm gonna lose it kung hindi ako unti unting mag o open up diba?

don't worry guys... i am okay... gusto ko lang mag unload... baka kasi sumabog one of these days weh... ayoko naman maging burden kahit kanino... at lalong ayaw na ayaw ko na hinahagod yung likod ko... i don't need sympathy... i just want a pat on the back saying... everything will be okay in the end. If it's not okay, then it's not yet the end... di ba patrick? ;)

Sunday, January 24, 2010

may NAG TEXT...

nag txt sa akin si dianne the other day...

tets dumating na daw bill ng credit card natin php 10,648... feb 1 ang due...

ang reply ko...

hu u?

wahehe

nakaka highblood!!! ngaun namin inaani yung mga pinag gagagasta namin nung christmas wahaha

Monday, January 11, 2010

I am not okay right now but I will be okay and I will move on with my life, with or without you in it...

Tuesday, January 05, 2010

gud eve guys... here's my first post for 2010... lemme first greet you guys a Happy New Year!!!

i know i haven't been updating my blog... sobrang pagod sa work siguro... peak season kasi namin... pag restday ko naman ang gusto ko na lang eh... mag REST! (makes sense?)... well this is not like one of those restdays... first stop.... i planned on catching up on my sleep since para akong nilamog na ponkan last christmas season at ginagawa kong balikan ang malolos - olongapo... well guess what? hindi nangyari yun... instead... niyaya ako manood ng sine ng nanay ko (all expenses paid by moi- thank you very much) ang masaklap... mano po ang trip niya panoorin!!! and then sa kalagitnaan ng movie, nag txt ang kapatid ko na kailangan daw namin iluwas yung mga gamit na dadalhin ni mik sa batangas, dahil kailangan na niyang bumalik sa batangas on tuesday pero stuck siya somewhere in paranaque kasi tinatapos pa nila yung paperworks nila... mind you... hindi ito pakiusap... isa itong command na iluwas yung mga gamit niya... after the movie, inimpake na namin ang gamit ni mik at ang instruction ay iwan ito sa guard sa college of nursing... so nag meet up kami ni dianne sa SM North at ihahatid na namin yung gamit ni mik sa UP-Manila... isa itong malaking pagkakamali... ang driver namin ay si ambo... hindi ko alam kung saang driving school nag aral si ambo at kung sa australia siya natuto mag drive... parang laging may car race!!! nasa left lane siya palagi at yung mga nasa kabilang lane pa ang nahihiya at umiiwas sa kanya!!! walang pakialam sa stop light... we were literally praying for our lives sa backseat... i'm just so glad na ng maiwan na namin yung things ni mik at dri-nop na kami ni ambo sa mcdo sa quezon ave... nagyaya si dianne na mag meryenda sa mcdo... time check 11 pm... after that nagyaya pa si dianne na mag bar somewhere in timog yata yun... off the grill yung pangalan nung bar... had fun... nakauwi kami ni mamu at chocky ng bulacan mga 4 am na... i'm still sleepy kahit nagtulog lang ako maghapon ng tuesday... iniisip ko pa lang na may pasok na ulit bukas sa work parang nauumay na ko... that's all for now... try ko mag post ulit sa mga susunod na araw... bayiiiiii for now...