haaay naku... the other day, chocky and i were watching Rivermaya : Bagong Liwanag (The Audition Specials) on studio 23 kze nag audition din dun yung younger brother ni chockz (ayun... TALO!!!) nakakaaliw kasi may mga celebs na nanggugulo lang sa audition na yun, gaya ni vinci montaner ng parokya ni edgar, kumanta siya ng buloy tsaka ng bago niyang composition entitled "ayaw ko ng rivermaya"... the ever famous ramon bautista doing his stunts again... at marami pang iba...
there were three judges na nag ii- screen ng aplicants and out of 580 plus na nag try only 80 were given the "golden ticket" para mag proceed sa second round... and out of the 80, only 13 people made it to the finals, nung 80 na sila, para ng pang beauty contest yung mga tanong sa kanila nung judges, for example, if ever na makuha ka bilang bagong member ng rivermaya, would you be willing to change your style, and the way you look to fit the band's image? etc.etc.
eh may isang contestant na member pa ng dalawa pang active band, nabasa yun nung mga judges dun sa profile niya, in-explain niya na actually isang band lang yun, pinalitan lang nila yung name nung una nilang band kasi nde nag click, nung sinabi niya yung band name niya biglang blineep... and then inexplain niya na yung first name ng band niya pag binaliktad yun din yung name ng bago niyang band... and since na bleep nga yung band name niya, na curious kami kung ano yung pangalan ng band niya na baliktaran ang name... napansin ko na biglang tumahimik si chockz, mukhang malalim ang iniisip... and then eureka!!! sabi niya "beb, alam ko na yung pangalan nung band niya... NASABAYABASAN!!!"
ngek!!!
talagang pinag isipan ito!!!
pagtapos nung rivermaya specials, premier naman nung bagong show sa studio 23 na ginaya naman sa jackass tsaka wildboys... anong trip mo?. ang bida dun eh si hyubs tsaka si justine (ng viva hot men)... may isang scene duon, na ang dare sa kanila ay tumakbo sa bukid na hubo't hubad... nung tumatakbo sila, tinatakpan nila hyubs yung harapan nila habang naka exposed yung kanilang wetpaks (behind)... sabi ko "tsk tsk tsk wala talaga silang magawa noh? beb kung ikaw tatakbo ng ganyan, anong tatakpan mo?..." without batting an eyelid, ang sagot sakin ni chocky "... yung mukha ko!"
nakngtokwa, naisip mo pa yun? taba talaga ng utak ni chocky...
IMMOS
5 years ago
2 comments:
ayaw nyu masyadong manuod ng tv nuh
buti nga tv eh... minsan nga dvd marathon weh...
Post a Comment