pag sumakay ka ng victory liner na bus papuntang olongapo... meron silang 15 minutes na stop over sa isang restaurant sa lubao pampanga na ang pangalan ay double happiness... pwede kang gumamit ng comfort room o kaya bumili ng meryenda...
just recently, sabay kami umuwi ni chockz sa bulacan and it was raining so hard... so pagdating ng double happiness, gusto kong kumain ng mainit na arrozcaldo, pero hindi ko naman kayang ubusin yung isang buong bowl ng caldo... so sabi ko kay chocky, hati na lang kami. bumili si chocky at kumain kami sa bus... ako yung naghawak ng mga bags namin tapos siya yung may hawak ng caldo, masyadong mainit yung caldo kaya hinalo-halo muna ni chocky at hinipan-hipan para hindi kami mapaso.
alternate, susubo si chocky tapos ako naman ang susubuan niya since ako nga ang may hawak ng mga bags. nakahalata na ko... dalawang subo sa kanya taz isang subo lang sakin, kalahati pa yung laman nung kutsara (dahil pag hinipan mo kalahati na lang matitira sa kutsara... ) mejo bitin yung kalahating kutsara kaya sabi ko kay chocky "beb follow up!!!" bigla kaming natawa dun sa sinabi kong yun... kaya bigla kaming humagalpak ng tawa sa bus... bigla akong nagtampo na tinawanan ako ni chocky kaya sabi ko ayaw ko ng kumain... busog na ko...
ang sabi niya sakin "beb ang pangit... biruin mo malalagay tayo sa news : MAGSYOTA NAG-AWAY DAHIL SA LUGAW!!!"
six years beb? masisira dahil lang sa lugaw? ang panget... pano mo ie explain yun sa magtatanong kung bakit tayo nag break? hehe
joke ko lang naman yung tampo tampo, nakakatuwa lang na tawa kami ng tawa sa bus, kami lang naman nagkakaintindihan kung bakit kami tumatawa....
IMMOS
5 years ago
1 comment:
this is also here when you ride the bataan transit to balanga and mariveles
Post a Comment