first time kong manood ng movie sa trinoma and we decided (mar-yan and i) na sa THX kami manood (yung cinema 7 ng trinoma)...
ei maryan... ni research ko na meaning ng THX... Tomlinson Holman's eXperiment
kung ano man ibig sabihin nun... hindi ko na alam... hehe
diba para sa iba sa atin, sanay tayo na manood ng sine na papasok sa loob ng sinehan kahit na hindi natin ito naumpisahan... tapos ipagpapatuloy na lang natin kung ano yung hindi natin napanood dun sa susunod na screening... well, iba sa sinehan sa trinoma... kung anong screening time ang binili mo, dun ka lang pwedeng manood... tsaka kung anong seat yung naka assign sayo, dun ka lang pwedeng maupo...
anyweis, ikaw ang mamimili ng seat mo sa pagbili pa lang ng ticket... napagkasunduan namin na yung second to the last row ang piliin namin na seat... row T... seats 5 and 6...
imagine my astonishment nung makita ko na ang row T pala eh sa tuktok... at kailangan mong umakyat ng hagdan na katumbas ng dalawang hagdan bawat letter ng alphabet... magulo ba pagkaka explain ko nun? halimbawa kung nasa row B ka, aakyat ka ng 4 na ginormous steps para makarating sa row mo... HELLO? row T kaya kami? 40 humongous steps... para kang umakyat sa third floor! no kidding pare... katabi na namin yung projector tapos malapit na kami sa bubong!!! man! i hate stairs paaaaarrrreeee!!!
kung may isang bagay kaming natutunan about this experience eh ang wag na wag kang bibili ng upsize na softdrinks pag manonood ka ng sine sa row T!!! MAN! kakaumpisa pa lang eh naiihi na ko... kung alam ko lang... nagbaon sana ko ng arinola! nagpigil ako ng ihi the whole freakin' movie kesa umakyat baba ulit dun sa damuhong hagdan na yun!!! kalagitnaan ng movie, bumulong si maryan na hindi na raw niya kayang pigilan... tumakbo siya pababa para pumunta sa cr... pagkalipas ng 5 minuto bumalik si maryan sa seat niya na hingal na hingal... full body work out ito pare!
hmmmmmnnnn ano next movie na papanoorin natin pare? huwag naman yung scaregiver pare... hehe
IMMOS
5 years ago
1 comment:
gagawin ko lahat para k edward!! kht umakyat pa ng bundok (or ng sinehan por dat matter)
Post a Comment