Friday, January 30, 2009
ikasa mo kris!!!
"may nothing that escapes my mouth be displeasing to others..."
amen...
hehe
bigyan niyo na lang ako ng maraming packaging tape!!! please...
zzup doug?
Once Dogs classify you, they rarely change their minds. There are few in-betweens. Dogs perceive things either in black or white. You are either friend or enemy. Luckily, they are good judges of character and have superb insight into human nature. Dogs are tolerant of their friends. Before they approve of you, the friendship must develop slowly with a variety of meetings and conversations. If they look you over and decide they can trust you, you remain in their hearts forever. If you need them, Dogs will be there.
When the time is right, Dogs work long and hard, but they know how to relax, and enjoy their home and loved ones. The Dogs have playful moods and a great sense of humor. They have quick emotions and if you offend them, they will snarl and insult you with expertise. They forgive with the same speed. Dogs are intelligent and well-balanced. With their stable minds, they make good counselors or psychologists. They endure during any crisis situation. They are trustworthy people and know how to keep a secret. Being efficient and very diplomatic, they can hide their prejudices well. Most Dogs have a comfortable home and do well. Dogs always defend what is theirs and have a high sense of value. Home and family come first, and Dogs will work to see that they have the best!
charms and crystals
underworld
meron akong training sa manila last wednesday and i did'nt anticipate na maaga 'tong matatapos,
jan 28; 12:30pm
petski: bc? dito ako gateway... training, ciguro tapos nito 1pm... wanna meet up?
maryan: Lunch @ 3noma 130?
petski: y not... abot ba ku? trafic d2 sa cubao... my klase k ba?
maryan: mga 2p? class ku 5. so 2hr lunch tayu hihihi!
petski: k txt kita pag pinauwi na kami. taxi na lang aku pa trinoma...
maryan: S0cial! zeeyah! ü
Release ko lng calls hahaha
ayun na nga... nagkita kami mga 1:30pm we had lunch sa sbarro
maryan had sumthin' sumthin' veggie deep dish pizza
and i had sumthin' sumthin' macaroni deep dish pizza... not particular on the name heh? basta masarap siya!!!
we talked about everything under the sun... err well, not actually, we talked about a girl sitting across our table wearing a very disturbing neon green panties... ndi kami namboboso noh? she was wearing a low rise pants and her neon green panties kept gasping for air! hehe and you know what's ironic about it is that yung wall kung nasaan yung table nila eh isang malaking mural ng garden salad ng sbarro... kakulay ng kanyang very disturbing underwear!
and her date! her date is another story... ka date niya si osama bin laden! with his ridiculous beard... feeling ko may sariling buhay yung balbas niya! nakita ko nga siyang sinusubuan ng calzone yung balbas niya! and there's this couple next to our table na... ah never mind... baka sabihin niyong nag sa- sour graping kami! hehe...
gaya nga ng sinabi ni maryan 5 pm klase niya... 3:30 pa lang nag papa awa na ku... hehe... sabi ko baka ma late na siya sa class niya... pag alis niya, manonood na lang ako ng movie mag- isa... you should see my face... i look exactly like this ...
well, all i can say is that it worked! sabi niya "bahala na! 3 pa lang naman absent ko!"
in short nag cut classes na naman ang bruha!!!
decisions, decisions... we were choosing between status single (joke!) and underworld revenge of the lycans, we watched underworld. wala akong idea sa plot nung movie kasi hindi ko naman napanood yung previous underworld movies... basta ang alam ko lang eh tungkol yun sa vampires and werewolves! ok naman siya... lalo na yung fact na bumili si maryan ng food na jamaican patties whatever na ang flavor ay pinatubo!!! hotta! hotta! (at hindi ko ni- share yung drinks!!! hehe)
well i'm looking forward to our corregidor trip! sa E.K., tsaka sa half blood prince tsaka sa angels and demons! basta!!! hope to see you soon pare! mwuah!!!
Wednesday, January 28, 2009
Top 20 signs of a Pinoy flick
forwarded email ni maryan i am nakalagay sa credits na publish ito ni ricky lo sa funfare but i think nabasa ko 'to sa bakit baligtad magbasa ng libro ang pinoy ni bob ong... enjoy!!!
So how would you know that you are watching a Pinoy movie?
1. Sasayaw ang loveteam sa likod ng puno ng buko kapag nasa beach ang eksena. Alternate na lalabas ang ulo nila from behind the puno.
2. Ang kontrabidang babae yayakap sa bidang lalaki, sabay taas ng kilay at ngingisi.
3. Ang pansit, nagdadala ng malas. Uuwi ang bida na may dalang pansit para sa kanyang nanay na si Anita Linda. Tatawagin ng bida ang mga bata para kumain at kukumustahin niya ang pag-aaral ng mga bata habang kumakain sila. Biglang may titigil na sasakyan sa harap ng bahay at pauulanan ng bala ang pamilya. Mamamatay si Anita Linda at sisigaw ang bida ng "Inaaayyyy!!!" at mangangakong ipaghihigante ito. Moral of the eksena: Ang pansit ay nakakamatay.
4. Kapag may magkaribal na babae, 'yung mabait derecho ang buhok at may bangs. 'Yung salbahe, laging kulot.
5. Sa Pinoy action movies, ang bida hindi nauubusan ng bala.
6. Sa Pinoy action movies, kapag tumakbo ang bida, sa lupa lahat ang tama ng bala ng kalaban.
7. Kapag may mob na pupunta sa bahay kubo ng manananggal, si Vangie Labalan ang laging lider.
8. Alam mong moment of truth na kapag sinabi ng bida ang title ng pelikula (sample: Isang Bala Ka Lang or Kapag Puno na Ang Salop).
9. Ang tawag ng kontrabida sa kanyang mga goons, "Mga bata."
10. 'Yung nakababatang kapatid ng bida habang naglalaro, mabibitiwan ang bola at mapupunta sa gitna ng kalsada. Pagkatapos, may darating na sasakyan at itutulak ng bida ang bata at 'yung bida ang papagitna ng kalsada. Naka-cross ang arms ng bida who is covering his face. Sisigaw ang bata ng, "Kuyaaa!" Next scene: Nasa ospital sila. Simula na ng drama.
11. Kapag bakbakan, hindi nasasaktan ang bida pero umaaray siya kapag ginagamot na siya ng leading lady. Next scene: Nagla-love-making na sila.
12. Kapag sinabi ng kontabida sa bida ang masama niyang plano, sasabibin ng bida, "Hayop ka!"
13. Ang bidang babae, kapag katulong ang role siguradong iri-reveal ng amo na anak siya nito.
14. Ang nanay ng mayaman ay laging may pamaypay na pang-mayaman at ang nanay ng mahirap ay laging naka-duster.
15. Ang hideout ng kontrabida ay parating mansyon na may chicks na naka-hilira sa paligid ng pool.
16. Ang mga bida sa drama, kapag nakatanggap ng masamang balita laging may pinto sa likod nila para puede sila sumandal habang nag-i-slide dahan-dahan pababa, todo iyak at kung minsan with matching uhog.
17. Kapag hindi nahuli ng mga goons ang bida, sasabihin ng boss sa kanila, "Mga inutil!"
18. Laging nakakapulot ng baril na may bala ang bida kapag kinakailangan niya.
19. Laging mas maganda ang yaya ng bida kaysa sa kontrabidang anak ng amo niya.
20. Kapag ang ending ng movie ay song-and-dance number sa beach o sa resort, ang huling frame shows the cast na tumatalon, sabay freeze.
severe LSS of the day.... amppp!!!
Can't read my, can't read my
No he can't read my poker face
(she`s got to love nobody)
Can't read my, can't read my
No he can't read my poker face
(she`s got to love nobody)
P-p-p-poker face, p-p-poker face
(mum mum mum mah)
P-p-p-poker face, p-p-poker face
(mum mum mum mah)
Thursday, January 22, 2009
kiss and make up
ito na siguro ang pinakamahabang time na mag-kaaway kami ni chockz sa tanang 8 years ng relationship namin, usually pag nag away kami tumatagal lang ng isang araw, tapos at the end of the day ok na kami, hindi na namin pinag uusapan kung ano man ang pinag awayan namin.
etong away na 'to umabot ng isang linggo... hindi kami nag-away na nagsasalita kami ng masakit o nagsasakitan kami physically... isang buong linggo lang na parang hindi kami nag eexist... silent treatment kung baga...
siguro napag isip isip din namin na kagaguhan lang ang pinag gagagawa namin...kaya we called it quits na lang... joke!
wala ng words... we just never talked about it... bigla na lang pag gising namin ok na kami... and nung nag uusap na kami ang sabi ko sa kanya... "huuuu di mo na ako love eh..."
sumagot siya... "alam mo naman na kahit bali-baliktarin mo ang puso ko... iisa lang sinasabi nun..."
sumagot ako... "nasabayabasan?"
para po sa mga hindi naka gets, feel free to write any comments, suggestions and violent reactions... at ihulog sa inyong suking tindahan!
Tuesday, January 20, 2009
pushing daisies...
hmmmmnn... Last Written Warning
Call to mind that we have called your attention for similar infractions when you were not in uniform on blah blah blah...
In these instances, we imparted to you the significance of not wearing the prescribed company uniform and proper office attire. We also advised you to do your share in projecting a positive image to our costumer. We likewise impressed to you the implications of your infractions. Yet you again disobeyed the directives.
For this, we advised you to wear proper office attire such as slacks, knee level or an inch above the knee skirt, blouse and closed toe leather or synthetic shoes with heel during wash days. Should you still wear jeans, T-shirt or rubber shoes in the future, then we will impose a more severe sanction, including SUSPENSION.
Let this therefore serve as final lesson and a last written warning.
hmmmn pano ba yan maryan? kitakits na lang?
may kasabihan nga tayo... tell me who your friends are and i will tell you who my fiends are... para barkada!
sinulog 2009
'pag landing nung plane sa Cebu, nag txt si dianne kay mama na nawawala daw yung bagahe niya... wala na daw laman yung conveyor ng mga bagahe pero wala pa rin yung bagahe niya!
siyempre hindi na rin mapakali si mama dito sa bulacan...
nandun lahat ng gamit ni dianne, mga costumes niya... make-up, yung boots niya, sapatos... pano siya mag so show?
mga bandang 9 pm, nag txt si dianne kay mama...
"ok na ma. nand2 na bagahe ko.pinag alala lng nia ko. Tatanga tanga nga eh, namasyal! naiwanan 2loy sa manila... cryola kaya ako kanina kc lahat talaga ng gamit nandun... "
nung dumating sa bahay si dianne, pinakwento ko kagad yung istorya ng mahiwagang bagahe... sabi ni dianne,nag group check in daw sila nung mga kasama niya, eh kaso yung mga punyetang empleyado dun sa conveyor belt eh huntahan ng huntahan... hindi nalagyan ng tag yung bagahe ni dianne! kaya naiwan mag isa sa manila yung bagahe niya! at nag fly din mag -isa yung luggage niya pa - Cebu nung nagwawala na si dianne!!! sosyal na bagahe!
Monday, January 19, 2009
eight
Looks like we made it
Look how far we've come my baby
We mighta took the long way
We knew we'd get there someday
They said, "I bet they'll never make it"
But just look at us holding on
We're still together still going strong...
there may be rough roads ahead...
ehhh what the heck!!!
call it cheesy all you want... 8th anniversary bheb!!!
i hate this part
I can’t take it any longer
Thought that we were stronger
All we do is linger
Slipping through my fingers
I don’t want to try now
All that’s lefts goodbye to
Find a way that I can tell you
I hate this part right here
I hate this part right here
I just can’t take your tears
I hate this part right here...
elkyu
last January 16 sana ang 8th anniversary namin ni chockz, but two days before the 16th we had a petty quarrel and i kinda said the words "... sa 16, huwag na huwag mo kong babatiin ng happy anniversary kasi hindi naman ako masaya!... "
come January 16, hindi nga niya ako ni-greet ng happy anniversary!!!
man! masyado ka namang masunurin... pwede mo namang sabihing 8th anniversary diba?
hanggang ngayon hindi pa rin kami in "speaking terms" kasi hindi niya ko binati nung anniv namin...
ang sakit sa ulo! ano ba talaga kuya?
i'll leave this na lang hanging.... abangan na lang ang mga susunod na kabanata... magkakaayos pa ba ang tandem na petskitsoks o ito na ba ang magiging wakas ng kanilang love story?
exit to the tune of i don't want you to go (ost ng love me again- land down under movie)
And from the start
Maybe we were tryin' too hard
It's crazy coz it's breakin' our heart
Things can fall apart but I know,
That I don't want you to go...
tengtungteneng
Thursday, January 15, 2009
whapakkk!!!
apparently, merong dalawang blog critter ang nakadiskubre na ng aking blog...
dalawang critter na laging laman ng mga sekretong mensahe ng blog ko!
ERGO
bawal na ang bashing time!!!! whapakkk!!!
kaya pala lumipat na sa facebook ang baklang maryan! (duon pwede bashing time?)
damn! i gotta figure this sh*t out! hindi pwede 'to!
Tuesday, January 06, 2009
ugly betty
ako yung tipo ng tao na malupit sa first impression... pag unang beses kitang nakita at hindi kita nagustuhan, kahit mag tumbling ka pa at mag triple sommersault sa harapan ko, hindi na talaga kita magugustuhan...
restday ko nung nag submit siya ng resumè kaya hindi ko siya kilala, ang sabi nung branch head namin, isa submit lang yung resumè niya sa HR tapos tatawagan na lang siya kung kelan siya mag start... after several days bumalik siya sa office para i follow up kung kelan siya mag start (ang tigas talaga ng kulit noh? sinabi ng tatawagan na lang eh) that time marami akong clients at feeling ko eh nangungulit lang siya duon, english pa siya ng english... buti sana kung english na pang call center eh kaso english na pang sundalo ginagawa niya. yun bang tipong "affirmative mam target is on location." "roger that", at kahit na tagalog mo siya kinakausap, english pa rin ang isasagot niya sa'yo. sa loob loob ko, kung ako ang papipiliin, at kung sa akin 'to nag aaply, hindi ko to kukunin... wala lang... bad vibes...
naweys there's really sumthin' weird 'bout her that gives me the creeps... una, mahuhuli mo siya na kinakausap niya ang sarili niya... pangalawa, may mga baon siyang komiks ng gabi ng lagim and the likes... pangatlo, when you look at her, she has an ominous smile na para bang nagsasabi na ... "be afraid... be very afraid... bwahahahaha"
soooooo, moment of truth... first task, nagbigay ako sa kanya ng isang phone number para i -dial, di-nial niya yung number at nung may sumagot sa other end bigla niyang binagsak yung telepono at sinabing "diyos ko po!"
next situation... nung mga araw na hindi na kami kumakain sa oras sa dami ng taong kumukuha ng remittances nila dahil malapit na ang christmas, inutusan ko siyang mag lunch out na para hindi siya malipasan ng gutom gaya namin... hindi na siya bumalik! the next day tinanong siya nung contractual namin kung bakit hindi na xa bumalik... ang sagot niya... "hindi mo naman maiintindihan kasi it's a gurl thang!" (*note emphasis on the thang please) so... ako naman ang nagtanong sa kanya kung bakit hindi na siya bumalik... ang sagot niya... "ma'am, meron po kasi ako... sumakit po ang ulo ko sa dami ng tao..."
wtf?
tinanong ko siya kung ilang hours ang requirement sa OJT nila, sabi niya 300 daw, tinanong ko siya kung dala niya yung DTR niya, ang sagot niya oo naman daw... ang sabi ko akina yung DTR mo at pipirmahan ko na na accomplish na yung required 300 hours niya! ayaw naman niya!
man! this girl is seriously f*cked up! sana matapos na yung 300 hrs niya!
exit to the tune of the x-files theme... tanananan... tanananan
all i want for christmas is my two front teeth
and then one day, umuwi siya na may dalang ganito...
isang Louis Vuitton-Saint Jacques na bag, tinanong ko siya dun sa price nung bag... sabi niya $900... take note... hindi Singapore dollar... hindi Australian dollar...US Dollar!!!
ewan ko ba, pero nung nagsabog ang diyos ng kakikayan eh absent yata ako at nakikipaglaro ng syato dun sa mga tambay sa'min... no offense sa mga bag lovers pero hindi ko talaga naa appreciate yung ganda niya...
after christmas, nagkaroon ako ng tsansa na mapanood yung show nila sa subic... open air yung venue at bago sila mag perform, pinahawak niya sa'kin yung LV bag niya... tapos biglang umambon... juice ko po! alam niyo ba yung itsura ng US Secret Service 'pag pino protektahan nila ang presidente ng US? ganung ganun... di bale ng siya ang mabasa... huwag lang ang LV niya!
balakubak joke of the day...
tindera: sir/mam, bili na po kayo ng lucky charms... bracelets... PAMPASWERTE PO...
chocky: magkano to?
tindera: fifty lang po...
chocky: kaya lang may konting damage na to eh... penge na lang ng stock...
tindera: sir last piece na po yan... wala na pong stock...
chocky: PUTCHA! MALAS!!!
kwenk.kwenk.kwenk.kwenk.
mamaya, i-explain ko sa'yo yung joke ha?
hehe