nakakain na ba kayo lately sa mga fastfood chains? nirequire kasi sila ng BIR na maglagay ng pangalan ng customer sa resibo...
one time, nag order ako sa chowking... at me ganitong eksena...
cashier: mam, repeat ko lang po order niyo chorva chorva... ano po ba name niyo?
sinagot ko naman... moppette...
cashier: mabeth?
petski: moppette...
at nung tingnan ko yung resibo ko... TABLE 21 FOR KAPIT
lapit naman ng moppette sa kapit ano?
eto mas malupit...
nag pa laundry si chockz... tas tinanong yung pangalan niya para ilagay sa resibo...
laundry girl: pangalan?
chockz: German (pabulong)
eto ang nilagay ni laundry girl: EARMAN
saloobloob ni chockz... earman? meron bang taong tenga?
at nung kine claim na ni chockz yung laundry, nung prinesent niya yung receipt niya dun sa same laundry girl... tinitigan siya ng masama nung girl... EARMAN?
nakngtokwa... siya pa yung galit...
LOLZ
IMMOS
5 years ago
No comments:
Post a Comment