Akala ko okay na ko. Sabi ko sa sarili ko malapit na ko maka 'recover' sa break-up ko... May news na dumating... ikinasal na pala siya... una kong reaksyon... meh :/ so what? Kaya lang... na realize ko... kelan lang ba kami naghiwalay? kelan lang ba sila nagka kilala nung girl? Kasal agad? Pare naman... hindi pa nakakapag 40 days yung puso ko nagpakasal ka na? Akala ko makakapag usap pa tayo ng personal... hindi para ayusin kung anuman yung naudlot nating relasyon... kung hindi mag usap para magkapatawaran man lang... at tuldukan kung anuman yung meron tayo... labindalawang taon 'tol... ganun ganun mo lang itinapon? kahit paanong console ko sa sarili ko na ganun talaga. shit happens... hindi ko pa rin maiwasang malungkot....
PUUUUUUUUUUUTTTTTTTTTTTTTTTTTAAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNGGGGGGG INNNNNNNNNNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!
Salamat. I feel a lot better now. For now, lolokohin ko na lang muna sarili ko na... everything happens for a reason... na God has a plan for me... na darating din yung para sa'kin... maghintay ka lang ng konti... na magkakaroon ka rin ng silver lining... na there's always a rainbow after the rain....
For now, ibababa ko muna yung maskara ko na bato ako... na hindi ako nasasaktan.... ipapakita ko muna sa ibang tao na durog ako ngayon... na hindi ako okay.... masakit eh... minahal ko yung tao na yun at pinag alayan ko ng buhay ko ng mahigit labindalawang taon....
Sa huling pagkakataon... gusto kong sabihin sa'yo na masaya ako na masaya ka... Ikaw ang kaligayahan ko at ngayon na masaya ka na... pipiliting kong maging masaya para sa'yo... I wish you all the best... Ipinapanalangin ko na sa muli nating pagkikita wala na ang galit at sakit....
Sana ito na ang umpisa ng tuluyang paghilom ng mga sugat ko... ganun talaga ang buhay. Shit happens :/