Sunday, September 01, 2013

Daily Dairy Diarrhea Diary

Sa sampung nilalang na magkakaroon ng matamis daw na buhay pag-ibig, lima ang iiwanang luhaan ng kanilang jowawers sa magkakaibang dahilan gaya ng pagkahulog sa iba o naudlot na pagpapasa load. Sa limang ito, tatlo ang magpapakalunod sa alak at uutang ng katakot-takot na happy peanuts sa kalapit na tindahan. Dalawa naman ay idadaan ang poot, pait, galit at kabag sa kunwaring artistic na paraan. Sa dalawang yan, isa ay magdo-drawing o uukit ng estatwang kamukha ng ex niya habang may saksak na kutsilyo sa likod. At ang natitirang isa ay magkukulong sa kwarto at ibubuhos ang kasawian sa isang inosenteng sulatan. Kung sakaling naniwala ka sa pekeng statistic sa taas o sadyang wala ka lang magawa, heto ang kwento ng isa sa kanila.





I recently broke up with my boyfriend of 12 years. Gumuho ang mundo ko. Akala ko talaga mamamatay na ko. During my darkest hour, I stumbled upon the book Daily Dairy Diarrhea Diary. Ito ay tungkol sa mga taong nagmahal, nabigo at sumubok na mag move on. Hindi ko sinasadya ang pagkaka diskubre sa librong ito, basta na lang may nilalang sa utak ko ang bumulong sa akin na bilhin ko daw ang librong ito. Sa loob ng ilang buwan, paulit ulit ko lang siyang binabasa. halos makabisa ko na ang laman ng mga pahina. At nang magkaroon ng sapat na lakas ng loob. Sinulatan ko ang author nitong librong ito. Pinasalamatan ko siya, sabi ko sa kanya, niligtas niya ang buhay ko. Marahil siguro pinanawan na rin ako ng bait kung hindi dahil sa librong ito. Malaking tulong na rin ang pagkakaroon ng support group. Nandiyan ang pamilya ko at mga "baliw" kong kaibigan. Ang hindi ko inaasahan ay ang mag reply si Jayson Benedicto sa mensahe ko sa kanya. Gusto ko lang ibahagi dito. Paulit ulit ko kasi siyang binabasa. Biruin mo? Sino ba naman ako para paglaanan niya ng napakahalagang oras para replyan? This means so much to me.


Jayson Benedicto wrote:
Maraming salamat sa message mo Moppette. Alam ko na sa sitwasyon mo, walang witty quote o malalim na kasabihan ang makakapagpagaan ng loob mo. Baka nga lalo ka lang maasar kung may magpumilit na pasayahin ka. Dahil ang katototohanan, wala. As in walang lunas. Kusa lang talagang nawawala ang sakit. Paunti-unti. Gaya nga ng sabi mo, one day at a time. Pero gusto kong sabihin na karapatan mong malungkot, magalit, magwala, magtampo o magmukmok nang hindi kinakailangan na magpaliwanag sa iba. Hayaan mo kung walang makaintindi. Dahil sa stage na ito, unahin mo muna ang iyong sarili. Maging makasarili ka muna. Mahirap talaga yan. Isipin mo, 12 years. Tapos ganun-ganun lang, biglang nawala. Natapon lahat ng emotional investment. Pero ganun talaga. Yan ang hirap kapag nagmahal. Napupunta sa kamay ng isang tao maliban sa atin ang ikakasaya o ikakalungkot natin. Kung mayroon mang silver lining sa experience mo, ito ay ang pagkakadiskubre kung gaano kahina ang pagmamahal niya sayo. Paano kung nangyari yun kung kasal na kayo. Mas mahirap diba? Legal-wise at damay na din ang mga pamilya niyo. Kahit papaano, napaaga mong nalaman. Sana maging okay ka sa lalong madaling panahon. Darating din yan. Paunti-unti. Konting dasal. Konting iyak. Konting usap sa malalapit na mahal sa buhay. Pasasaan ba't magiging okay din ang lahat. Salamat na tiwala na i-share ang lungkot mo sa'kin. Godbless.

Hindi Jayson. Maraming salamat. Pasasaan bat magiging okay din ang lahat. Sana nga soon. Paano guys? hanggang sa muling pagkikita? CIAO

No comments: