Monday, September 30, 2013

Sunday, September 29, 2013


pampalakas lang ng loob ko... wahehehe :)

My Perfect Man...

Nanonood ako ng movie ni Sandra Bullock and Nicole Kidman na Practical Magic and then it hit me... Sobrang nakaka relate ako dun sa isang scene dun...


Young Sally Owens: He will hear my call a mile away. He will whistle my favorite song. He can ride a pony backwards. 

Young Gillian Owens: What are you doing? 

Young Sally Owens: Summoning up a true love spell called Amas Veritas. He can flip pancakes in the air. He'll be marvelously kind. And his favorite shape will be a star. And he'll have one green eye and one blue. 

Young Gillian Owens: Thought you never wanted to fall in love. 

Young Sally Owens: That's the point. The guy I dreamed of doesn't exist. And if he doesn't exist, I'll never die of a broken heart. 

This. Ito na lang siguro ang tanging paraan para hindi na ulit ako masaktan. Ever. I'll create my Perfect Man... a guy that doesn't exist... so that I will not die of a broken heart too. :/

... to be continued

Tuesday, September 24, 2013

“Cry. Forgive. Learn. Move on. Let your tears water the seeds of your future happiness.” 


― Steve Maraboli

creepy stalker

I hope you can read this... What's the deal dude? Hindi na kita maintindihan... I don't get the drunk messages and the 3:00 am phone calls... Dafuq dude? You are starting to get on my nerves... Anong part ba ng I don't like you ang hindi mo magets? Nung una, subtle yung pagsabi ko sayo na... mahahanap mo rin yung girl na para sa'yo... Na hindi ako yun...

Yes. I am brokenhearted. but that doesn't mean that I'm desperate. Hindi kita pinaasa. Never. I won't change my number because of you. Pero makikita mo ang hinahanap mo kung hindi ka titigil...

Leave me alone...


sa ngayon ito na lang ang tanging option ko...

closure.. .

Akala ko okay na ko. Sabi ko sa sarili ko malapit na ko maka 'recover' sa break-up ko... May news na dumating... ikinasal na pala siya... una kong reaksyon... meh :/ so what? Kaya lang... na realize ko... kelan lang ba kami naghiwalay? kelan lang ba sila nagka kilala nung girl? Kasal agad? Pare naman... hindi pa nakakapag 40 days yung puso ko nagpakasal ka na? Akala ko makakapag usap pa tayo ng personal... hindi para ayusin kung anuman yung naudlot nating relasyon... kung hindi mag usap para magkapatawaran man lang... at tuldukan kung anuman yung meron tayo... labindalawang taon 'tol... ganun ganun mo lang itinapon? kahit paanong console ko sa sarili ko na ganun talaga. shit happens... hindi ko pa rin maiwasang malungkot....


PUUUUUUUUUUUTTTTTTTTTTTTTTTTTAAAAAAAAAAAAAAAANNNNNNNNNNGGGGGGG  INNNNNNNNNNAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!  


Salamat. I feel a lot better now. For now, lolokohin ko na lang muna sarili ko na... everything happens for a reason... na God has a plan for me... na darating din yung para sa'kin... maghintay ka lang ng konti... na magkakaroon ka rin ng silver lining... na there's always a rainbow after the rain....

For now, ibababa ko muna yung maskara ko na bato ako... na hindi ako nasasaktan.... ipapakita ko muna sa ibang tao na durog ako ngayon... na hindi ako okay.... masakit eh... minahal ko yung tao na yun at pinag alayan ko ng buhay ko ng mahigit labindalawang taon....

Sa huling pagkakataon... gusto kong sabihin sa'yo na masaya ako na masaya ka... Ikaw ang kaligayahan ko at ngayon na masaya ka na... pipiliting kong maging masaya para sa'yo... I wish you all the best... Ipinapanalangin ko na sa muli nating pagkikita wala na ang galit at sakit....

Sana ito na ang umpisa ng tuluyang paghilom ng mga sugat ko... ganun talaga ang buhay. Shit happens :/

Sunday, September 15, 2013


My Fifty Shades

Mahilig akong magbasa ng libro ... at isa sa mga librong engrossed na engrossed akong basahin ay ang 50 shades trilogy... kahit na na download ko na yung pdf nung books eh binili ko pa rin yung actual na libro


tadaaaah!!! with matching handcuffs 

And i am now happy to announce na may movie release date na ang favorite book ko... 


May napili na silang Christian Grey... (Although ang personal choice ko eh si Ian Somerhalder ) 


At Anastasia Steele ... (personal choice ko sana eh si Lucy Hale)


madaming fans ang na disappoint sa decision nila kung sino ang gaganap sa lead role... sana lang mabigyan nila ng justice yung pag ganap nila dun sa role ni Christian and Ana... I can't wait to see this movie  :) 

bakit hindi ka crush ng crush mo? :/

after coming out of a terrible break up. patingin tingin na lang ang peg ko... pahinga ko muna ang puso ko... hindi pa ako reyyydiii na mag jump sa isang panibagong relasyon... and besides after going through what i have gone through (tama ba grammar ko? ) walang pangielaman!!! blog ko 'toh!!!! wahehehe :) Naniniwala na ako na Love is overrated... (parang may naaamoy akong konting bitterness?)

pero dahil free na ako... pwede na akong lantarang magka crush hindi ba? kaya ko nisulat ang post na ito ay para introduce sa inyo ang aking super dooper crush in the whole wide world!!!!

Guys... I would like you to meet ang aking crush... Si Ino ...


Itago na lang natin siya sa pangalang Quirino Lejano III (linsyak ka.. tinago mo pa yan ng lagay na yan ha?) Isa siyang Mechanical Engineer sa isang Shipyard (pagawaan ng barko), Graduate siya ng ME sa MAPUA... once ko pa lang siya nakikita sa personal pero nakausap ko na siya sa fone at naka text (yiiiiiiiiiii kilig lang)

No. Don't get me wrong... hindi ako umaasa na mapapansin niya ako.. o na mag re reciprocate siya ng feelings... he is waaaaaaaaay out of my league... I just like to admire him from afar... masaya na ako dun... ang maghangad ng higit pa duon ay tiyak na matinding kabaliwan...

E ano ba ang purpose netong post na 'toh? wala lang... gusto ko lang ibahagi lahat ng mga nararamdaman ko... kung kasayahan man ito... o kalungkutan... gusto ko samahan niyo ako...

Monday, September 02, 2013

Sunday, September 01, 2013

two hearts coming together shit :/



been on the internet way too much to believe that the stereotypical heart shape was meant to be two hearts fused together. fuck.that.shit :/

anong pinagdadaanan mo petski? wahahaha :)

Daily Dairy Diarrhea Diary

Sa sampung nilalang na magkakaroon ng matamis daw na buhay pag-ibig, lima ang iiwanang luhaan ng kanilang jowawers sa magkakaibang dahilan gaya ng pagkahulog sa iba o naudlot na pagpapasa load. Sa limang ito, tatlo ang magpapakalunod sa alak at uutang ng katakot-takot na happy peanuts sa kalapit na tindahan. Dalawa naman ay idadaan ang poot, pait, galit at kabag sa kunwaring artistic na paraan. Sa dalawang yan, isa ay magdo-drawing o uukit ng estatwang kamukha ng ex niya habang may saksak na kutsilyo sa likod. At ang natitirang isa ay magkukulong sa kwarto at ibubuhos ang kasawian sa isang inosenteng sulatan. Kung sakaling naniwala ka sa pekeng statistic sa taas o sadyang wala ka lang magawa, heto ang kwento ng isa sa kanila.





I recently broke up with my boyfriend of 12 years. Gumuho ang mundo ko. Akala ko talaga mamamatay na ko. During my darkest hour, I stumbled upon the book Daily Dairy Diarrhea Diary. Ito ay tungkol sa mga taong nagmahal, nabigo at sumubok na mag move on. Hindi ko sinasadya ang pagkaka diskubre sa librong ito, basta na lang may nilalang sa utak ko ang bumulong sa akin na bilhin ko daw ang librong ito. Sa loob ng ilang buwan, paulit ulit ko lang siyang binabasa. halos makabisa ko na ang laman ng mga pahina. At nang magkaroon ng sapat na lakas ng loob. Sinulatan ko ang author nitong librong ito. Pinasalamatan ko siya, sabi ko sa kanya, niligtas niya ang buhay ko. Marahil siguro pinanawan na rin ako ng bait kung hindi dahil sa librong ito. Malaking tulong na rin ang pagkakaroon ng support group. Nandiyan ang pamilya ko at mga "baliw" kong kaibigan. Ang hindi ko inaasahan ay ang mag reply si Jayson Benedicto sa mensahe ko sa kanya. Gusto ko lang ibahagi dito. Paulit ulit ko kasi siyang binabasa. Biruin mo? Sino ba naman ako para paglaanan niya ng napakahalagang oras para replyan? This means so much to me.


Jayson Benedicto wrote:
Maraming salamat sa message mo Moppette. Alam ko na sa sitwasyon mo, walang witty quote o malalim na kasabihan ang makakapagpagaan ng loob mo. Baka nga lalo ka lang maasar kung may magpumilit na pasayahin ka. Dahil ang katototohanan, wala. As in walang lunas. Kusa lang talagang nawawala ang sakit. Paunti-unti. Gaya nga ng sabi mo, one day at a time. Pero gusto kong sabihin na karapatan mong malungkot, magalit, magwala, magtampo o magmukmok nang hindi kinakailangan na magpaliwanag sa iba. Hayaan mo kung walang makaintindi. Dahil sa stage na ito, unahin mo muna ang iyong sarili. Maging makasarili ka muna. Mahirap talaga yan. Isipin mo, 12 years. Tapos ganun-ganun lang, biglang nawala. Natapon lahat ng emotional investment. Pero ganun talaga. Yan ang hirap kapag nagmahal. Napupunta sa kamay ng isang tao maliban sa atin ang ikakasaya o ikakalungkot natin. Kung mayroon mang silver lining sa experience mo, ito ay ang pagkakadiskubre kung gaano kahina ang pagmamahal niya sayo. Paano kung nangyari yun kung kasal na kayo. Mas mahirap diba? Legal-wise at damay na din ang mga pamilya niyo. Kahit papaano, napaaga mong nalaman. Sana maging okay ka sa lalong madaling panahon. Darating din yan. Paunti-unti. Konting dasal. Konting iyak. Konting usap sa malalapit na mahal sa buhay. Pasasaan ba't magiging okay din ang lahat. Salamat na tiwala na i-share ang lungkot mo sa'kin. Godbless.

Hindi Jayson. Maraming salamat. Pasasaan bat magiging okay din ang lahat. Sana nga soon. Paano guys? hanggang sa muling pagkikita? CIAO