well... restday ko na naman kaya heto na naman ako at nag a update ng blog ko!!!!
Last week, pumunta ako sa hardware store para bumili ng baterya and i overheard ang isang costumer na nanghihingi ng assistance sa sales clerk kung meron silang pandikit ng daga (well... that was her exact words... pandikit ng daga! ) na sinagot naman ng... "bakit ano po ba ang naputol... buntot o tenga?"
Mga two days later bumalik na naman ako sa hardware store na yun para bumili ng air freshner at meron na namang isang costumer na humihingi ng assistance... this time ang hinahanap nung costumer eh gamot sa anay... na sinagot naman nung sales clerk ng "bakit? ano po ba ang sakit nung anay?"
puro weirdo na talaga tao sa mundo! kokonti na lang kaming matitino ang natitira.... hmmmnn
IMMOS
5 years ago
1 comment:
"kokonti na lang kaming matitino ang natitira.... hmmmnn"
honga! honga!
Post a Comment