ei maryan natatandaan mo ba na a couple of years ago may mga threads ng email si menggay na tinatawag niyang thinking out loud? yun yung mga nangyayari sa kanya sa wurk tsaka luvlyf niya... medyo porn nga yung text nung iba eh... alam mo naman si menggay... tingnan mo nga naman... mag bestfriend talaga sila ni alfo noh? pareho sila ng frequency ng mind... hehe... diba thinking out loud din title ng blog ni alfo?
segway naman tayo sa kwento kong kung anik anik... mga two weeks ago, nakasakay kami ni chocky ng bus kasi pauwi kami ng bulacan.. and nung tumapat sa'min yung konduktor sinabi kaagad ni chocky "brad, malolos... dalawa... " sabi nung konduktor "malolos? dalawa?" hindi ko napigilan yung sarili ko sumigaw ako ng "ECHO!!! ECHO!!!" namputsa pare...sama ng tingin sa kin nung konduktor pagbaba ko sa malolos...
akala ko dun na nagtatapos yung istorya tungkol kay dory... i mean dun sa konduktor... last night, siya ulit yung konduktor nung nasakyan namin na bus... pagtapat niya samin sabi ulit ni chocky "malolos... dalawa..." tapos sabi nung konduktor... "ah malolos... ILAN?" sabi ko talaga kay chocky... pigilan mo ko... kakagatin ko yan....
MAGKANO KAYA PAMASAHE PAPUNTANG MARS? BAKA MAS MATINO KAUSAP MGA NILALANG DUON EH...
IMMOS
5 years ago
No comments:
Post a Comment