Thursday, December 04, 2008

bus

I hate waking up early. Magmula nung bata pa ako, pahirapan na talaga ang gisingin ako ng maaga... Mas gusto ko pa na wag na matulog kesa gumising ng maaga...


Umuwi ako sa bulacan ng sunday night, nov 30, may date kami ni maryan kinabukasan kaya nag decide na lang ako na wag na lang matulog...

December 1, 5:52am

nag txt si maryan
Maryan:amfft! haha breaking news! Gising nah!
Petski: di pa ko tulog...
Maryan: ampupu mamya eh tulugan mo lng ako harhar
*(ampupu? Kelan mo pa ginamit ang word na ampupu? Tsaka parang narinig ko na yang word na yan from sumwhere d ko lang ma recall kung saan...)


December 2, 7:30am,

ginising ako ng mga ingay ng nagtitibag ng bato (bawat christmas bonus kasi eh may project kami para sa aming bahay... This year, pinagawa namin yung lababo sa kusina... Pink na tiles, pink na lababo, pink na pako, pink na semento... leche!!!... Puro pink!!!) So, giniba yung lumang lababo at pinatayuan ng bago...


Dapat tuesday night babalik na ko sa ‘gapo para hindi ako puyat pagpasok ko sa work ng wednesday (mon, tues po restday ko) , pero nakiusap yung mudrakels ko na bukas na daw ako ng madaling araw lumuwas, tulungan ko daw siyang mag ligpit dahil makalat at maputik sa bahay dahil nga dun sa pinagagawang lababo...

December 3, 3:00 am


Putsa! kakapikit ko pa lang, maya maya nag- aalarm na yung cellphone ko!!! Naghilamos lang ako at nag-toothbrush, hindi ako naligo kasi ‘pag naligo ako, magigising na diwa ko (and besides naligo na ako bago ako matulog) ...eh balak kong matulog ng bonggang bongga sa bus!

3:45am
Nag aabang na kami ni chockz ng aircon bus papuntang olongapo (sabay kasi kami ng restday ni chockyness)


4:00 am
Nakasakay na kami ng bus papuntang ‘gapo, pinili ko yung window side para walang istorbo, natiketan na kami at nagbayad na si chocky ng pamasahe...
Natuwa ako kasi tahimik na tahimik yung loob ng bus, karamihan sa mga pasahero eh tulog... Pumikit na ako para matulog, nang biglang sa kalagitnaan ng katahimikan... May biglang tumugtog...

"I need you boo, I gotta see you boo

And there's hearts all over the world tonight,

Said there's hearts all over the world tonight

I need you boo, (oh)I gotta see you boo (hey)

And there's hearts all over the world tonight,

said there's hearts all over the world tonight..."


Anak ng kamote!!! Hinanap ko agad kung saan nanggagaling yung tunog at tinitigan ko ng masama (mala-killer eyes na titig ni sakuragi kay gori!) Pero wala talagang paki alam yung mama at parang nananadya pa na ini-loop pa yung kanta na yun... Hindi na ako nakatiis... Sinabi ko dun sa mama "Heller? Naimbento na po ang earphones! Duh!"
Napahiya siguro yung mama, kaya in-off niya na yung sounds nung cellphone niya... Mejo nahihirapan na akong gumawa ng tulog kasi uminit na yung ulo ko dun sa "ay nid yu bu" incident.

Maya maya, sa bandang Apalit Pampanga, may sumakay na dalawang mama at naupo dun sa bakanteng seat, sa tapat ng row na inuupuan ko... Malapit lapit na akong makatulog, nang biglang magkwentuhan yung dalawang mama... Isang malakas na:
Mama1: " kekong keng kekong kekong keni neh"
Mama2: " kekongkekongkekong keh neh"
And so on and so forth...

Mahabaging langit! Ano po ba ang kasalanan ko sa inyo at pinarurusahan niyo ako ng ganito?
Napansin na siguro ni chocky na nagpupuyos na ang aking kamao at malapit na akong manghambalos ng aircon bus... nilabas niya yung psp niya tsaka earphones, dun sa music playlist niya, pinatugtog niya yung instrumental na piano piece ni yiruma sabay salpak ng earphone sa tenga ko... Ayun! Nakatulog din ako ng walang nasasaktan na nilalang...

(*note pag madaling araw 2 1/2hrs ang byahe papuntang gapo galing ng bulacan....)

2 comments:

Anonymous said...

cute naman with you ah!
withyou withyou withyou withyou withyou!

Anonymous said...

hindi yun cute 'pag bangenge ka na sa antok!!! hmmmp!!!