Thursday, February 26, 2009

bangenge quote for the day!


" I don't get jealous!

I can't be jealous!

I've never been jealous!

Ngayon lang! "



-Miggy
You Changed My Life

ano mar-yan wanna watch? hehe

ang joke! joke!

eto ang pinakamalupit na joke na narinig ko... hindi ako natawa sa joke pero bumenta siya sa takilya! panalo pare!

may dalawang lalake ang nag uusap

lalake1: pare tulungan mo naman ako... andami kong nakain... gusto kong maduwal...

lalake2: madali lang yan pare, tusukin mo ng hintuturo mo yung lalamunan mo... ano? naduduwal ka na?

lalake1: hindi eh...

lalake2: tusukin mo ng hintuturo yung butas ng pwet mo... naduduwal ka na?

lalake1: hindi pa rin eh...

lalake2: tusukin mo ulit ng hintuturo mo yung lalamunan mo, ngayon, naduduwal ka na?

kwenk.kwenk.kwenk.

o diba panalo?

Monday, February 23, 2009

Sunday, February 22, 2009

ever after

five years ago today, the good Lord took Julian away from us... he was 82 years old, masakit, pero his death was very peaceful, he died feb 22, 2004 at around 3:00 pm, habang siya ay natutulog... he never woke up... after 50 plus years of being happily married, iniwan niya si Ebeng at ang kanilang anim na anak at labingwalong apo na nagluluksa...

after 2 yrs, na- diagnose si Eveng na mayroong esophageal cancer and was given six months to live... para itong bomba na bumagsak sa'min pero hindi namin kinakitaan si nanay ng kahit na anong galit sa diyos... she just accepted it... it was april when the doctors confirmed that it was cancer and said that we should make the most out of the remaining days of her life, come october, habang lumalapit ang anim na buwang taning ng mga doctor, makikita mo na kahit nahihirapan si nanay eh patuloy pa rin siyang lumalaban... dumaan ang november, december, january makikita mo talagang she is so weak, pinagdadasal na namin kay Lord na huwag ng patagalin yung paghihirap ni nanay... nung dumating yung february, makikita mo talagang naghihingalo na siya, akala talaga namin na iyon na talaga ang oras niya... ayaw na niya magpa admit sa ospital, nag pa annoint na siya sa pari... akala namin pagkatapos niyang gawin yun wala na... hindi namin alam kung anong hinihintay niya... sabi nila sa akin na i should let go na kasi nahihirapan na daw si nanay... sabi ko naman matagal na akong nag let go... isa lang pala ang hinihintay ni nanay... february 22, 2007 at around 3:00 pm huminga siya ng isang malalim na hinga saka siya binawian ng buhay.

a love that not even death can part...

Julian B. Gavino
January 9, 1922- February 22, 2004

Nieves T. Gavino
August 5, 1930- February 22, 2007

Thursday, February 19, 2009

kitikitxt

gaya ng nasabi ko sa mga previous posts ko, lingguhan lang ako umuwi dahil malayo sa bahay namin yung work ko... and there is nothing more soothing than receiving a message from my family... yung bang pagod na pagod ka galing sa trabaho tapos may mababasa ka na txt galing sa kanila... lalo na galing sa nanay ko...

mamu: musta ka na? paload naman hehe...
petski: ayos!!!

o yung sinorpresa niya ko nung birthday ko, nagtxt siya ng ala una ng madaling araw

mamu: hapi bdx 2 u
petski: salamat po... kung anuman ang ibig sabihin ng hapi bdx...

si mamu... bearer ng good news...

mamu: musta ka n? alam mo ba? patay na si berting labra...

*ang mahalaga duon eh tinitingnan niya muna yung status ng emotion ko bago niya i break yung news...

o ang news na 'to

mamu: alam mo bang patay na si chelsea? yung pangit na aso ng kapitbahay natin?

*si chelsea ay ang pagkaaaaaapangit-pangit (emphasis pls) na mini pincher ng kapitbahay namin... na kala mo ba napakalaking aso kung maka tahol... actually hindi siya mukhang aso... mukha siyang paniki... pag dumadaan nga si dianne sa kulungan nun eh dini dirty finger niya yun sabi niya: pakyu ka! pakyu ka!
pag si mik naman ang dumaan sinasabuyan niya yun ng holy water!

weird magtxt ang nanay ko kasi minsan walang bowel yung mga msgs niya..

halimbawa:

tatay-tty
nanay-nny

eh minsan tinanong ko kung kumain na sila at kung ano ang ulam nila...
reply ng nanay ko: bby

huh?
kumain kayo ng baby?

tsk.tsk.tsk.
baboy pala ibig sabihin nun...

madami pa yan eh... isipin ko pa yung iba tapos update ko 'tong post na to.
ciao

Wednesday, February 18, 2009



nirepost ko lang yung entry ni mar-yan na happy birthday moppette... para makita naman ng ibang tao (pwede na bang explanation yun?)

enjoy!

Sunday, February 15, 2009

it's mah bday!!!


gusto ko pong magpasalamat (naks parang tumatanggap lang ng award! hehe) sa lahat ng mga taong nag take time para bumati sa aking bday... si tita jean, mama june (mishu na!) kay arlan (haberdey din!), kay joey, abel, kay ivee... sa aking mga ipismates (m'bheng, cindy, carlyn, verna, jeff )... kay menggay (yup maryan naalala niya ko...) kay maryan ( salamat sa blog pare... astig!), kay chocky (yubyuh bheb!) tsaka sa family ko... para sa aking 5th bday party... (yup you heard it right 5th bday party) at sa lahat ng hindi nakaalala... i don't kerr!!! hmmmp (joke!)

Saturday, February 14, 2009

MyHotComments.com

Friday, February 13, 2009

'till death do us part


photo of dave navarro and carmen electra's wedding invitation... astig diba? kaya lang di nag work ang 'till death do us part drama nila... nag split din sila! tsk.tsk. publicity... publicity...

Thursday, February 12, 2009

hindi tayo bati! bleh!



ang daya !!! Picture ni Arlan sa Singapore (younger brother ni chocky) na may hawak na concert tickets ni Jason Mraz!!! Sa Singapore Indoor Stadium on 5 March 2009... i want to watch!!! punta tayo singapore!!!
*bago ko makalimutan... happy birthday arlan! (feb 16 bday niya kaya napaka bait nitong tao na 'to hehe)

Tuesday, February 10, 2009

was it rihanna?

So Rihanna's name has been released as the female Chris Brown allegedly attacked.

"Police records showed that R&B singer Chris Brown was being held on $50,000 bail after an alleged battery incident. The L.A. Times is reporting that the woman in the incident is Brown's girlfriend, pop singer Rihanna.

The Minneapolis Star Tribune reported that Rihanna was "reportedly hospitalized with bruises on her face."

see details here

damn...

allow me to borrow the thoughts of Ernest Hemingway:

" i love sleep… my life has a tendency to fall apart when i’m awake…"

fact you!!!

MyHotComments.com

It is Written:



kung hindi niyo pa napapanood 'to... then you're missing half of your life!

soundtrack ng luvlyf ko... weh




Ohhh, baby...

I know sometimes
It's gonna rain...
But baby, can we make up now
'Cause I can't sleep through the pain

Girl, I don't wanna go to bed
(Mad at you),
And I don't want you to go to bed
(Mad at me).
No, I don't wanna go to bed
(Mad at you),
And I don't want you to go to bed
(Mad at me)
Ohhh no no no...

Thursday, February 05, 2009

kiliting peanuts

as requested by verns ü...

tnxt ako ng manager ko nung restday ko... Eto ang txt niya...

"alam mo ba? may nakatipong kano kay betty parang kinikiliting peanuts daw kanina sabi ni verna. Nakipagsabayan ng english ang alaga mo, na OP tuloy si vern..."

*sabi ni vern... sweet-sweetan daw yung dalawa na parang walang tao sa paligid nila.. at may bumabagsak-bagsak pa na confetti...

na ni replyan ko naman ng...

"alam mo naman ang mga kano m'bheng... mahilig sa exotic beauty... mala- bayawak!"

nagbibiro lang ako, hindi ako naniniwala na may nakatipong kano kay betty... hindi rin akong naniniwala na may makakatipo kay betty na parte ng human race... hanggang sa pumasok ako nung wednesday...

may lumapit sa 'kin na amerikano...
hi! my name is carl and i'm looking for the little girl that's working here (pedopilya lang pala noh?)

ang sabi ko... OJT lang namin si betty at may klase siya sa school, kaya balik na lang siya... some other time... sabi nung 'kano pano na daw yung dala niyang chocolates... sabi ko... don't worry the chocolate is in good hands... (mineryenda namin nung hapon... hehe) joke! hindi naman kami ganun kasama... binigay na lang sa'min ni carl yung chocolates since wala naman si betty... ü

abangan na lang ang susunod na kabanata kung ano ang magiging itsura pag pinaghalo mo ang breed na cocker spaniel at iguana... peace out!

anger management...

bumalik na naman ang insomnia ko, gabi gabi ko tuloy napapanood ang IFL...
bigla ko tuloy sinabi kay chockz... "bakit kaya hindi ako mag training sa grappling... para ma channel lahat ng anger ko into positive energy ano?"

na biglang sinagot niya ng ganito...

chockz: "huuuu... grappling, grappling ka pa... ang mabuti pa pumunta ka na lang dun sa restaurant na nag babasag ng plato!"

basagan ko kaya ng plato ang mukha nitong damontres na 'to!

...

" walang taong manhid, hindi lang talaga niya maintindihan kung ano ang gusto mong iparating dahil ayaw mo siyang diretsuhin..."

-bob ong

Wednesday, February 04, 2009

name game

Come on everybody!
I say now let's play a game
I betcha I can make a rhyme out of anybody's name
The first letter of the name, I treat it like it wasn't there
But a B or an F or an M will appear
And then I say bo add a B then I say the name and Bonana fanna and a fo
And then I say the name again with an F very plain and a fee fy and a mo
And then I say the name again with an M this time
and there isn't any name that I can't rhyme

let's try shirley

Shirley! Shirley, Shirley bo Birley Bonana fanna fo Firley Fee fy mo Mirley, Shirley!

let's try Arnold!

Arnold! Arnold, Arnold bo Barnold Bonana fanna fo Farnold Fee fy mo Marnold Arnold!

ok now let's try NIEVES CONSUELO!
Nie... hwag na pare... uwi na lang tayo...

eh?

habang ako'y nanahimik dito sa aking trabaho... may lumapit na lalaki at sinabi sa kin... "miss pa-PAK?"

sabi ko: huh?
sabi nung lalaki: ang sabi ko pa-PAK!

naniningkit na yung mata ko, malapit ko ng sampalin ang bastos na lalaki na yun at naiirita dahil wala naman akong nakikita na may dala siyang ulam...

tumayo na ako, nakita ko may hawak siya na papel...

sabi ulit niya: pa-PAK... sa states...
ayun naman pala... pa-fax... malinaw naman diba? kala ko naman kung ano na...

Tuesday, February 03, 2009

K-9

kahapon, nasa SM kami ni chockz at mamu... kasi, sabi ni dianne magkita daw kami sa SM... (masunurin naman kami... e pano kung sabihin niya na magkita kami sa butuan? hehe)

andaming nagkalat na bomb sniffing dogs sa mall at aliw na aliw ako dun sa isang german shepherd na hila -hila nung trainor niya na pumanik dun sa escalator...

sabi ko, "buti hindi takot pumanik sa escalator yung aso noh?"

na mabilis namang binara ng matabang utak ni chocky...
sabi niya, "sa bomba nga hindi sila takot... sa escalator pa!"

pilosopo!
pigilan niyo ko... kakagatin ko yan!

fone

















pinadala sa'kin ng aunt ko sa states yung fone niya... for my birthday... (ano na kaya gagamitin niya? lolz) thank you soooo much mabe!!!

it's a treo 650 palm fone...
hindi ko pa siya napapa open line kaya hindi ko pa siya ginagamit...

a very disturbing justin...



lolzz.. .

rin on the rox ROCKS!!!




rin on the rox naman pala maryan... kaya pala hindi natin makita!!! hehe