gaya ng nasabi ko sa mga previous posts ko, lingguhan lang ako umuwi dahil malayo sa bahay namin yung work ko... and there is nothing more soothing than receiving a message from my family... yung bang pagod na pagod ka galing sa trabaho tapos may mababasa ka na txt galing sa kanila... lalo na galing sa nanay ko...
mamu: musta ka na? paload naman hehe...
petski: ayos!!!
o yung sinorpresa niya ko nung birthday ko, nagtxt siya ng ala una ng madaling araw
mamu: hapi bdx 2 u
petski: salamat po... kung anuman ang ibig sabihin ng hapi bdx...
si mamu... bearer ng good news...
mamu: musta ka n? alam mo ba? patay na si berting labra...
*ang mahalaga duon eh tinitingnan niya muna yung status ng emotion ko bago niya i break yung news...
o ang news na 'to
mamu: alam mo bang patay na si chelsea? yung pangit na aso ng kapitbahay natin?
*si chelsea ay ang pagkaaaaaapangit-pangit (emphasis pls) na mini pincher ng kapitbahay namin... na kala mo ba napakalaking aso kung maka tahol... actually hindi siya mukhang aso... mukha siyang paniki... pag dumadaan nga si dianne sa kulungan nun eh dini dirty finger niya yun sabi niya: pakyu ka! pakyu ka!
pag si mik naman ang dumaan sinasabuyan niya yun ng holy water!
weird magtxt ang nanay ko kasi minsan walang bowel yung mga msgs niya..
halimbawa:
tatay-tty
nanay-nny
eh minsan tinanong ko kung kumain na sila at kung ano ang ulam nila...
reply ng nanay ko: bby
huh?
kumain kayo ng baby?
tsk.tsk.tsk.
baboy pala ibig sabihin nun...
madami pa yan eh... isipin ko pa yung iba tapos update ko 'tong post na to.
ciao
IMMOS
5 years ago
2 comments:
naalala ko tuloy yung text ni maryan weh... naghahanap siya ng gift sa 2yO... ang reply ko lang sa kanya... huh? 2yO?
wakekekek!! ΓΌ
panalo! ahahahaha
Post a Comment