five years ago today, the good Lord took Julian away from us... he was 82 years old, masakit, pero his death was very peaceful, he died feb 22, 2004 at around 3:00 pm, habang siya ay natutulog... he never woke up... after 50 plus years of being happily married, iniwan niya si Ebeng at ang kanilang anim na anak at labingwalong apo na nagluluksa...
after 2 yrs, na- diagnose si Eveng na mayroong esophageal cancer and was given six months to live... para itong bomba na bumagsak sa'min pero hindi namin kinakitaan si nanay ng kahit na anong galit sa diyos... she just accepted it... it was april when the doctors confirmed that it was cancer and said that we should make the most out of the remaining days of her life, come october, habang lumalapit ang anim na buwang taning ng mga doctor, makikita mo na kahit nahihirapan si nanay eh patuloy pa rin siyang lumalaban... dumaan ang november, december, january makikita mo talagang she is so weak, pinagdadasal na namin kay Lord na huwag ng patagalin yung paghihirap ni nanay... nung dumating yung february, makikita mo talagang naghihingalo na siya, akala talaga namin na iyon na talaga ang oras niya... ayaw na niya magpa admit sa ospital, nag pa annoint na siya sa pari... akala namin pagkatapos niyang gawin yun wala na... hindi namin alam kung anong hinihintay niya... sabi nila sa akin na i should let go na kasi nahihirapan na daw si nanay... sabi ko naman matagal na akong nag let go... isa lang pala ang hinihintay ni nanay... february 22, 2007 at around 3:00 pm huminga siya ng isang malalim na hinga saka siya binawian ng buhay.
a love that not even death can part...
Julian B. Gavino
January 9, 1922- February 22, 2004
Nieves T. Gavino
August 5, 1930- February 22, 2007
Sana..
1 year ago
1 comment:
awwwwwww! tadhana itoh
Post a Comment