nung nakaraang sabado, wala akong magawa... as in!!!
so naisip ko na manood na lang ng tv (dito sa gapo pag wala kang cable tv, dalawang channel lang masasagap ng tv mo, channel 2 at 7)
nagsu surf ako ng channels, pangit palabas sa HBO, cinemax tsaka AXN. sa dos XXX, sa siete jessica soho reports. hindi masyadong interesante yung mga topics nila kaya lipat lang ako ng lipat ng channel, huminto yung pagpindot (talagang iyon ang term huh?) sa channel 5, sabi ko parang napanood ko na to... pero bakit may tagalog subtitle? tapos nakita ko si raymond bagatsing, yun pala tagalized version ng ripley's believe it or not. (hindi kasi ako masyadong nanonood ng tv kaya hindi ako familiar na may tagalog pala na ripley's bukod dun sa defunct show ni michael v.... ung bitoy's bilibitornot)
wala naman masama kung tinagalog nila yung ripleys, kaya lang feeling ko hindi bagay yung mga salitang ginagamit ni raymond...
gumamit siya ng mga terms na
-- tila bagang
-- sa pakiwari ko
-- datapwa't
-- tinatayang
marami pa kaya lang wala akong dalang ballpen at papel habang nanonood kaya hindi ko nailista yung iba! wala akong sinasabing may mali duon sa mga komentaryo ni raymond subalit bilang isang purong bulakenya ako'y naniniwala na tila baga hindi na angkop ang ganyang pananalita sa henerasyon sa kasalukuyan at sa pakiwari ko maraming hindi makauunawa sa mga ganuong klase ng mga pahayag lalo na at ang mga kabataan ngayon ay mulat na sa pamumuhay na naimpluwensiyahan na ng mga dayuhan.
kaya't kung maaari po lamang... pinapayo ko sa mga tampalasang nilalang...
CHILL!
Sana..
1 year ago
No comments:
Post a Comment