aug 27, 2006
kaninang umaga katxt ko si maryan, tapos may biglang nag pop na question sa utak ko...
MOPPETTE: PARE MAY QUESTION AKO, ANO NGA TAWAG DUN SA... (example) UP MAROONS, ATENEO BLUE EAGLES, LA SALLE GREEN ARCHERS... DI NAMAN MASCOT TAWAG DUN DIBA?
MARYAN: UAAP(?)
MARYAN: TEAM NAME(?)
(puta parang battle of the brainless ah?!!!)
(syongak! adik talaga kausap ko!)
MOPPETTE: HINDI NAMAN YUN EH, TANONG MO NGA SA SYOTA MO BAKA ALAM NIYA!
MARYAN: EXCUSE ME! I'M SINGLE AND AVAILABLE!
(ayan maryan libreng advertising ha?)
wala namang partikular na rason kung bakit sumagi sa utak ko yung mga bagay na yan... naalala ko lang bigla ang utol kong naknakan ng yabang!
may kausap one time si mik sa phone at pinag uusapan nila yung laban sa UAAP... (si mik ay freshman sa UP manila taking up nursing)
hindi ako nag i eavesdrop noh?! nanonood ako ng tv eh masyadong malakas ang bunganga ng hinayupak kong kapatid!
nweys nanalo yata that time ang UP kaya niyayabangan ni mik yung kausap niya na taga adamson yata(?). tapos bigla nga silang nag usap tungkol sa mga chorva chorva na yun... UP marooons... ateneo blue eagles... la salle green archers... (o di nag i eavesdrop ka nga kasi alam mo ang pinag uusapan nila?)
bigla akong sumabat sabi ko, "sa'min BSU RED ANTZ!"
alam niyo ba yung itsura ng isang japanese anime character na biglang nag punchline... natutumba yung mga kasama niyang cartoons! natawa si mik at sinabi dun sa kausap niya yung sinabi ko at sabay nila akong pinagtawanan!
sa loob loob ko lang, punyeta! pag di kayo tumigil sa katatawa papahiran ko kayo ng pulot (honey), tingnan ko lang kung hindi kayo masaktan pag kinagat kayo ng red ants!
IMMOS
5 years ago
No comments:
Post a Comment