allow me to borrow the thoughts of ernest hemingway:
" i love sleep... my life has a tendency to fall apart when i'm awake..."
sinasabi nila na you spend one third of your life sleeping...
growing up, nagkaroon ako ng abnormal sleep patternpag summer vacation i would sleep at around 3 am and then i would wake up at around 1 pm. at dahil late na akong nagising, late na naman akong matutulog. (kaya nga pattern eh abnormal ka talaga!)
lahat na ng posibleng palabas sa tv napanood ko na,mula probe team, correspondents, i-witness, kahit nga debate pinapatos ko na! mula sa txt tube hanggang sa 700 club...napapagod na ang mga tupa kakatawid ng bakod gising pa rin ako!
nananaginip na ako na hahalikan na ako ng prince charming ko ng biglang maririnig ko ang boses ng nanay ko sa background... tinatalakan ako na 'pag nagsabog daw ang diyos ng biyaya, ipot man daw ng kalabaw eh wala na akong aabutan!
ako yung tipo ng tao na di bale ng wag mong patulugin magdamag, wag mo lang gigisingin ng maaga...
nung college, humihingi ako ng tip kung anong mas maganda gawin pag nag rerebyu, yun bang magrerebyu ka muna tsaka ka matutulog o matutulog ka muna tsaka ka gigising ng maaga para magrebyu? AYOS! effective pare! parehong nakakatulog ako!
well, ano ba point nitong blog na ito?
WALA!
hindi ko na alam paano tatapusin ito... inaantok na ako eh (yawn...)
IMMOS
5 years ago
No comments:
Post a Comment