More than 10 million fans only 100,000 will witness...
proud akong sabihin na isa ako sa isandaang libo... bahagi ako ng kasaysayan...
grade six ako ng una 'kong marinig ang mga kanta ng eraserheads... isa ako sa napamura sa kantang pare ko...
pinagbintangan din ako ng nanay ko na adik at satanista habang ako'y nasa aking teenage years dahil hindi naman daw "music" ang pinakikinggan ko...
nasubaybayan ko album after album... nanlumo ako sa break up ng banda... umaasa na balang araw mabubuo ulit ang banda gaya ng pag- asang magkabalikan si sharon at gabby... dumating na ang oras, sa huling pagkakataon makikita natin ulit sila sa isang stage... Ang Huling El Bimbo...
welcome to camera phone and digicam heaven... lahat kasi ng tao kumukuha ng picture at video...
ang The Final Set concert ay masasabi ko na isang once in a lifetime experience para sa akin... parang Survivor na kailangan naming tumayo sa concert grounds ng 5 hours mahigit, the concert is not for the faint of heart or sa mga claustrophobic... kailangan mong makipagsiksikan sa halo halong amoy ng mga taong nasa venue... merong amoy alak at sigarilyo... merong amoy taong hindi pa nakatuklas ng sabon... meron namang mga taong bumili ng mamahalin na pabango tsaka nila minarinade yung sarili nila sa pabango nila... at Extra Challenge kamo pagkatapos ng concert dahil ipagpalagay mo na na 1/3 nung 100,00 na nanood ang may sariling sasakyan... makikipag unahan kang masakay sa almost 70,00 na walang ride?
pero kahit na ganun... i woud'nt miss it for the world!!! ERASERHEADS ROCK!!! LOVE YOU GUYS!!!
IMMOS
5 years ago
2 comments:
luuuuuurved it! kahit di ko alam mga lyrics (headbang lang at lipsynch).. kahit hindi naten katabi sina tim yap at echo (blah!).. kahit 3rd wheel lang ako (o tama na!).. kasama ko naman kayo.. di na ako matatakot na umibig at lumuha.. (kasama ko naman kayo) di na ako matatakot na magmukang tanga.. (kasama ko naman kayo).. kakapagod!
ilang beses bang kailangan sabihin na hindi ka 3rd wheel?
ngunit ngayon kay bilis maglaho ng kahapon
sana'y huwag kalimutan ang ating mga pinagsamahan
at kung sakaling gipitin ay laging iisipin
na minsan tayo ay naging
tunay na magkaibigan...
had fun talaga paaaaareee! thnx din! sa uulitin...
Post a Comment