na mimiss ko na si dianne!!! mag ti- three weeks na siya sa land down under... kasama si piolo? (pasaluuuuubbbbboooooonnngggg!!!)
naalala ko lang na mga 3 weeks ago, bago siya umalis pa australia, naospital yung tito ko (kapatid ni mama) so we visited him sa lung center sa qc tapos nag invite si ambo na dun na lang sa place niya mag dinner...
from lung center... nag taxi kami papunta sa place nila ambo... pagsakay sa taxi ganito ang eksena...
taxi driver: san tayo miss?
dianne: sa libis manong...
taxi driver: saan dun? alam niyo ba yung eastwood?
dianne: malapit po dun pero hindi dun....
taxi driver: alam niyo ba yung u-turn slot malapit dun?
dianne: alam niyo ba yung nuvo city?
taxi driver: alam mo ba yung sa may st. francis?
dianne: manong alam mo ba yung....
petski: ... Deoxyribonucleic acid?
napakamot na lang ng ulo yung taxi driver...
-------
kahapon naman, nagpadala ng pera si dianne sa bangko para magbayad ng rent nila sa apartment, sa apr 20 pa kasi ang uwi nila... baka pagbalik nila duon eh nasa lansangan na yung mga gamit nila... as usual, kami ang inutusan para lumuwas para magbayad ng rent... sa may st. james sa mindanao ave yung apartment nila dianne, eh ayokong mag magtawid tawid sa overpass ng sm... kaya sabi ko kay mama na mag taxi na lang kami... nag fx kami pa cubao then bababa kami ng muñoz... bago mag muñoz, sumigaw yung driver...
driver: may muñoz ba?
petski: kuya.... walter... kuya walter? sino naman yun? hahaha (nakakatol na naman yata ako!)
IMMOS
5 years ago
3 comments:
sinu si kuya walter?
si kuya waltermart.... asawa ni mary walter... hehe
nyak nyak
Post a Comment