hay naku... nakakairita yung news na nag feature ng mga mapag linlang na promo ng eroplano at barko... maghapon akong pinepeste ng mga taong hayok na hayok na makabili ng murang ticket ng eroplano at barko, only to find out na yung ino-offer nilang promo eh pwede nilang ma avail sa mga tag-bagyong buwan kagaya ng august at september o mayroon ngang promo para ngayong summer pero 48 million years ka ng nag tra try mag log in sa website nila eh hindi ka pa maka pasok... curse you!!!
curse you kung sino ka mang nag introduce sa'kin ng fashion wars sa facebook!!! (ikaw yata yun maryan...) hindi lang kami adik ng mga ka opisina ko... LULONG! (term ni verna, napa2bayaan na niya baby niya kaka FW tsaka vampire wars!) ako naman, nakalimutan (nakakatamaran?) ko ng mag update ng blog sa kakahabol ng pwedeng maging posse sa FW, tsaka kaka b*tchslap ng mga taong tumitira sa'kin... abala din ako sa milyones ko sa bangko tsaka sa mga properties ko (you wish...)
hay naku... buti na lang hindi kasing lala ng friday the 13th ng march yung friday the 13th ng feb namin namin ni verna... (huh? anu daw?) naniniwala kasi ako na yung mga gremlins sa opisina namin eh may dagdag na kulit power 'twing friday the 13th!
wala na kong maisip isulat sa blog... balikan ko na yung FW ko kung nag full charge na yung energy ko tsaka stamina! (haha adik talaga!)
IMMOS
5 years ago
No comments:
Post a Comment