Tuesday, July 15, 2014

Best Answer Kapag Mag-aabot ng Pamasahe sa JEEP





"MANOOOOOONG. BAYAD PO!"
——

#MedyoJinggoy

Manong: San galing ang 20?

Pasahero: Manong, wag niyo kong husgahan please. Ang perang yan ay hindi galing sa gobyerno.

—-

#MedyoParanoid

Manong: San yung bente?

Pasahero: Ano? Kaaabot ko lang nawala agad yung bente ko?!

—-

#MedyoMayabang

Manong: Estudyante?

Pasahero: Mechanical Engineer. 2010 Board Passer.

——

#MedyoHarotToTheNthPower

Manong: Estudyante?

Pasahero: Opo. 2nd year high school. Hindi pa nireregla pero may anim na crush na.

—-
#MedyoDumadamoves

Manong: Ilan dito sa 20?

Pasahero: Dalawa po. Isang manhid at isang nagmamahal ng palihim.

—-

#MedyoHarotPart2

Manong: San galing?

Pasahero: Nag group study po. Tapos alam niyo ba andun din yung crush ko. Magdamag niya akong tinuruan sa math. Tapos nung nag exam kanina, 0 nakuha ko. Hihi.

—-

#MedyoDefensive

Manong: San galing?

Pasahero: Nagmotel. 3 hours kami dun. At wag kayong judgmental please. Gumawa lang kami ng loombands.

——

#MedyoNakahithitNgPentelpen

Manong: San ang baba ng bente?

Pasahero: Tung-inuhhh!! Naglalakad yung bente!!!! 

—-

#MedyoHighblood

Manong: San ang baba?

Pasahero: Sa gitna ng kalsada. Para patay ako tapos kulong kayo.


—-

#MedyoEmoH3artZ

Manong: Ilan dito sa 20?

Pasahero: Isa lang. Wag niyo na din sanang itanong kung bakit. Sanay na ako na palaging iniiwan. Kaya nasanay na rin akong mag-isa. Keep the change.

——

#MedyoTumaTumblr

Manong: Walang barya?

Pasahero: Yan tayo eh. Sobra sobra na nga ang binigay, pero parang kulang pa rin. Parang pag-ibig…

No comments: