Saturday, July 19, 2014

Pasalubong


Umuwi yung uncle ko galing sa States...  tinanong niya LAHAT ng mga pinsan ko ang shoe size nila tsaka belt size ( para siguro sa pants?) Tinanong silang lahat kung may specific brand sila na gusto para dun sa shoes... pero ako hindi niya ko tinanong... So dahil hindi niya ako tinanong, ako na nagkusa... sabi ko ang gusto ko ISSEY MIYAKE na perfume (yung for men ang mas gusto kong scent) hehe.. makapal na ang mukha kung makapal... para paraan lang yan... may isang mantra ako that I live by... kung hindi mo susubukan paano mo malalaman ang result... So sinubukan kong kung uubra kung hihirit ako ng pasalubong kung pagbibigyan niya ako since hindi naman niya ako tinatanong... eh umubra!!!! SCORE!!!!

So, hindi ba ako nahihiya sa ginawa ko? NAHIHIYA. Pero wala na kong magagawa eh... nasabi ko na...

Tapos nung binigay niya sa akin yung perfume.. kunyari nagulat ako... hehehe...

*notes of clarifications... lumaki kasi akong tahimik at hindi marunong manghingi... it's not in my nature to ask for something or even ask for help kaya I find it amazing na I said out loud yung pabirong hirit ko tungkol dun sa pabango...

No comments: